Sa buhay, ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay. Ang karagatan ng pakikihamok sa mundo ay napakalawak at napakalawig upang batbatin ninuman. Ang buhay bilang isang madawag na pakikitalad ay isang pagsubog na dapat malampasan. Sa pagsubok, himahantong sa pagkakataon ng isang pagpili.
Guyundin ang tagumpay – nais makamit, sa buhay na puno ng pangarap na bumabalot sa mayamungmong na isip ng bawat isa, isang bituin na nasaing abutin.
Subalit may hadlang – sa bawat pusong nangangarap at nag-aasam na ito ay makamit. Hadlang na pumupuksa sa mtinding pag-asang nakalilip sa marubdob na dibdib. Dahilan sa mga ito, humihina ang tao – kasama nito’y unti-unti natatangay ng malimit na hihip ng hangin ang pangarap na sa puso’y sihapyo ng damdamin.
Marahil sa dagat ng pakikitalad ay naroon din ang simoy ng karalitaan – karalitaan na pumupukaw ng isip ng ninuman. Sa pagpili ng isang taong may kudyaping maralita’y maging ang pangarap na ibig abuti’y naglalahong parang bula.
Hindi ba’t hindi hadlang ang pagiging mahirap upang matalos ang minimithing pangarap? Marahil kasabay ng pag-inog ng mundo at paglipas ng panahon – sa puno ng buhay ay kasama ng nilagas ng malakas ng bugso ng ulan ang kasabihang ito. Dahil limitado lamang ang pagpili para sa isang taong maralita.
Sa ngayon, kasama ng hanging ating nilalanghap, kasabay ng bawat panahon at segundong lumilipas – ang karalitaan. Marahil ang buhay nga’y isang guryon na ibig lumipad, subalit ang hangin ng kanyang pangarap ay naglaho na’t din a lumilingap.
Ang pangarap, ang naisin – parang isang eroplanong mabilis na lumilipad, subalit pumaalimbulog sa kalangitan, hindi gumagalaw, hindi bumabagsak, nananatili ito’t – naroon lang.
Wednesday, July 8, 2009
AMING INA
Isa kang biyaya ng D’yos na Maykapal,
Tinig mo’y musikang may hatid na aral,
Ang bawat sandali sa aki’y daratal,
Tuwing kapiling ka sa pita ng buhay.
Anaki’y bituing taglay ang liwanag,
Sa t’wina ay tanglaw sa tangan kong landas,
Kapara ng araw sa langit may ningas,
Ang iyong pag-ibig sa ‘ming nag-aalab.
Ikaw’y mahalaga sa puso’t isipan,
Mamahalin namin magpaka’ylanpaman,
Ang ginto at yaman’y di namin ka’ylangan,
Ibig lamang namin, ikaw ay mahagkan.
Tulad ng bulaklak, humahalimuyak,
Ang iyong kandungang lagi naming tahak,
Ang ‘yong pagkalinga sa ami’y busilak,
Para ng pag-ibig ng ina sa anak.
Ikaw’y aming ina, hindi man sa dugo,
Ikaw’y ina namin dito sa ‘ming puso,
Kaya’t pagbaybay mo dito sa ‘ting mundo,
Kami ay kapiling, laging kasama mo!

KUNG TAYO MA'Y MAGKAWALAY
Kung tayo ma’y magkawalay ikaw’y hindi mawawaglit,
Dito sa aming gunita ikaw’y laging nakalakip,
Amin pa ring aalan’lin masasaya nating saglit,
Ikaw ay mamahalin pa at iibigin ng higit.
Kahit na ang pagsasama natin’y may’rong abang lungkot,
Ay may timyas niyong saya at sandali ng pagkupkop,
Nais ko’y h’wag ng magwakas pagsasamang nababalot,
Nitong tuwa’t kasiyahan pagkat luha’y maglalagos.
Ngunit ‘di maiiwasan na tayo ay magkawalay,
Sa buhay ay may simula’t may wakas ding madaratnan,
Subalit kung magwakas ma’y may’ron pa ring maiiwan,
Na butil ng ala-alang mananatili ka’ylanman.
Sa ating pagkakalayo ay aming gugunitain,
Ating mga ala-ala na simbuyo ng damdamin,
Iyon’y mga ala-alang ibubulong ko sa hangin,
Sa sandaling mawalay na at hindi na magkapiling
Kapag tayo’y nagkawalay kami nama’y magluluksa,
Pagkat ikaw’y mahal namin at sa iyo’y humahanga,
Ang pag-ibig na alay mo sa amin ay pambihira,
Mahigit pa sa pag-ibig niyong inang minumutya!

KAPIRASONG PAPEL
Isang kapirasong papel na binasa niyong luha,
Kaya’t wala ng mabasa kahit isa mang talata,
Ang papel ay walang saysay kung binura ng tadhana,
Gayundin ang kaibigang sakit lang ang ipinunla.
Ang ka’ybigan kung totoo’y tinanggap kang buong-buo,
Ika’y hindi susumbatan, ni hindi ka tinutudyo,
Ang ka’ybigan kung dakila at busilak yaong puso,
Ay hindi ka sukat saktan pagkat puso’y magdurugo.
Ang ka’ybigan itaboy mo’t yayakap ng anong higpit,
Dahil di ka kayang iwan pagkat ika’y iniibig,
Ang ka’ybiga’y gamu-gamong sa ilawan ay liligid,
Masunog man yaong pakpak para sayo’y magtitiis.
Kung ikaw man ay malapit sa diliryo at panganib,
Nariyan ang kaibigang karamay mo bawat saglit,
Ang ka’ybigan kung matapat at tunay ang ninanais,
Ay hindi ka iiwanan, ni hindi ka pagpapalit.
Ang ka’ybigan kapag lilo at ang puso’y mapagtaksil,
Ay huwad na kaibigan at madali kung limutin,
Ngunit kung ang kaibigan ay may pusong mahabagin,
Limutin ma’y di malimot pagkat yamang aariin.
Ang tunay na kaibiga’y hindi lamang sa salita,
Ito’y sa puso’t isipan sa tuwina’y mapipita,
Kung ang pagkakaibigan ay dalisay na talaga,
Maging luha ay nunukal dahil puspos ng ligaya.

Subscribe to:
Posts (Atom)