Wednesday, July 8, 2009

KUNG TAYO MA'Y MAGKAWALAY

Kung tayo ma’y magkawalay ikaw’y hindi mawawaglit,
Dito sa aming gunita ikaw’y laging nakalakip,
Amin pa ring aalan’lin masasaya nating saglit,
Ikaw ay mamahalin pa at iibigin ng higit.

Kahit na ang pagsasama natin’y may’rong abang lungkot,
Ay may timyas niyong saya at sandali ng pagkupkop,
Nais ko’y h’wag ng magwakas pagsasamang nababalot,
Nitong tuwa’t kasiyahan pagkat luha’y maglalagos.

Ngunit ‘di maiiwasan na tayo ay magkawalay,
Sa buhay ay may simula’t may wakas ding madaratnan,
Subalit kung magwakas ma’y may’ron pa ring maiiwan,
Na butil ng ala-alang mananatili ka’ylanman.

Sa ating pagkakalayo ay aming gugunitain,
Ating mga ala-ala na simbuyo ng damdamin,
Iyon’y mga ala-alang ibubulong ko sa hangin,
Sa sandaling mawalay na at hindi na magkapiling

Kapag tayo’y nagkawalay kami nama’y magluluksa,
Pagkat ikaw’y mahal namin at sa iyo’y humahanga,
Ang pag-ibig na alay mo sa amin ay pambihira,
Mahigit pa sa pag-ibig niyong inang minumutya!

1 comment:

  1. "..lahat ng tao ay nkatadhana iwan tayo."
    haha.. ikw n mismo ngsv. haha.. alam yan ng lhat,. peo ang ndi nrrealize ng marami, nkatadhana rin tayung mang-iwan ng iba. see. that's the blind side. iniicp nating magisa tau peo ang 22o, tau ang ngppumilit lumayu s iba. am i ryt? or really really ryt? haha.. wg k nah qmontra comment q toh eh.^^
    nweiz.. khit anu p man ang svhin muh, at khit ndi k man umagree s mga pnagsssv q, there are still things in this life that can't be changed..

    "no man is an island.. for God is with us even we constantly ignore Him."

    now u know.~`~,

    ReplyDelete